^

Police Metro

Biyanan napatay ng manugang

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napaslang ang 66-anyos na biyenan matapos itong aksidente mapatay ng sariling manugang habang nag-iinuman sa kanilang bahay sa Barangay Catmon, bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital ang biktimang si Rogelio Gatchalian dahil sa tinamo nitong mala­king sugat sa likuran ng kanyang ulo.

Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang pa­ngunahing suspek na si Michael Canlas, 37, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Joey Cabarles, dakong alas-10;45 ng gabi, magkasamang nag-inuman ng alak ang biktima at suspek kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo ang pag-uusap.

Gayon pa man, naitulak ng suspek ang biktima kaya bumagsak ito sa sementadong sahig kung saan nagkikisay.

Nagkataon namang dumaraan ang testigong si Reggie Quinso at da­lawang menor-de-edad na lalaki kaya naisakay sa traysikel ang biktima saka dinala sa nasabing ospital.

Nang malaman ng suspek na patay na ang biyenan habang isinusugod sa ospital ay nagrekomenda na tatawag na lang ng ser­bisyo ng punenarya subalit makalipas ang ilang oras ay hindi na ito nagpakita.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY CATMON

BULACAN

JOEY CABARLES

MERCADO MEMORIAL HOSPITAL

MICHAEL CANLAS

REGGIE QUINSO

ROGASCIANO M

ROGELIO GATCHALIAN

SANTA MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with