^

Police Metro

Nagduwelo sa baril... 2 ama patay sa away-bata

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nauwi sa patayan ng dalawang ama na isa ay pulis ang pag-aaway ng kanilang mga paslit na anak naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy.Tetuan, Zamboanga City

Kapwa namatay noon din sina PO1 Abdelhan Inggilan, 47, nakatalaga sa Siasi Municipal Police Station  at Haimer Alih, 35 magkapitbahay sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen sa Candido Drive ng nasabing barangay ay nagkaroon ng away ang anak na paslit nina Inggilan at Alih.

Sa halip na hindi na lang pansinin ng dalawang ama ang away ng kanilang mga anak ay silang dalawa ang nagkaroon ng komprontasyon at pagkakampihan sa kanilang mga anak.

Nauwi ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa kapwa bumunot ng baril ang dalawang ama at kapwa duguang bumulagta at namatay noon din.- Joy Cantos

vuukle comment

ABDELHAN INGGILAN

ALIH

ANG

BATAY

BRGY

HAIMER ALIH

INGGILAN

JOY CANTOS

NAUWI

SIASI MUNICIPAL POLICE STATION

ZAMBOANGA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with