^

Police Metro

Election officer itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang election officer at pinagbabaril nang malapitan sa harapan ng isang gasolinahan sa Avanceña, Molo District, Iloilo City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay kinilalang si Raymund Valera, 52, election officer sa bayan ng Dumangas, Iloilo.

Sa ulat ng Iloilo City Police, bago nangyari ang pagbaril sa biktima dakong alas-10:00 ng gabi ay kasalukuyang nasa loob ito ng kaniyang Isuzu Crosswind nang biglang sumulpot sa lugar ang suspek na sakay ng  taxi.

Lumapit ang suspek at pinagbabaril ang biktima ng  tatlong beses at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Dalawang anggulo ang sinisilip ng mga otoridad sa kasong ito, una ay kung may kinalaman sa alitan sa trapiko at ikalawa ay kaugnay ng gaganaping halalan sa Mayo ng susunod na taon.

 

vuukle comment

ANG

ATILDE

DALAWANG

DUMANGAS

ILOILO

ILOILO CITY

ILOILO CITY POLICE

ISANG

ISUZU CROSSWIND

MOLO DISTRICT

RAYMUND VALERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with