^

Police Metro

Tinedyer na kasabwat sa kidnapping, tiklo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado ang isang menor-de-edad na babae na sinasabing miyembro ng grupong dumudukot ng mga dalagita nang masundan ng kaniyang lola ang isa sa dalawang biktima sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Nakatakdang dalhin sa custody ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suspek na itinago sa pangalang Rina, 17, ng  Parola Compound, Tondo.

Nabatid na naganap ang insidente pasado alas-8 ng umaga sa panulukan ng Asuncion Street sa Barangay 13, Zone 2.

Lumilitaw na modus  operandi  ng grupo ng suspek ay  mag-abang ng mga dalagita na inuutusan ng kanilang mga kaanak na bumili sa tindahan.

Aagawan ito ng pera at kapag humabol ay kakaladkarin at isasakay sa van.

Kung hindi nasundan ng lola ang kanyang 10-an­yos na apo ay malamang na natangay ito ng suspek.

Patuloy namang tinutunton ng pulisya ang van na ginagamit ng grupo ng suspek.

vuukle comment

AAGAWAN

ACIRC

ANG

ARESTADO

ASUNCION STREET

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

LUMILITAW

MAYNILA

NABATID

NAKATAKDANG

PAROLA COMPOUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with