^

Police Metro

Marcos handang magpa-DNA test para kay Grace

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Handang sumailalim si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa DNA testing sa gitna ng ginagawang paghahanap ni Senator Grace Poe sa mga posibleng kamag-anak.

Sinabi ni Marcos na walang problema sa kanya na magbigay ng sample ng kanyang DNA kung ito ay makakatulong kay Poe.

Ang kahandaan ni Marcos na sumailalim sa DNA test ay dahil sa matagal nang kumakalat na urban legend na anak umano ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa dating actress na si Rosemarie Sonora si Poe na inampon ng namayapang action king Fernando Poe Jr. at asawang si Susan Roces.

Sinabi pa ni Marcos na kung mapapatunayang half sister nga niya si Poe at iwi-welcome niya ito sa kanilang pamilya.

Matatandaan na puro negatibo ang naging resulta ng DNA testing sa sample na ibinigay ni Poe at ng mga hinihinalang mga kamag-anak niya.

Makakalaban ni Marcos sa pagka-bise presidente ng bansa ang running mate ni Poe na si Senator Francis “Chiz” Escudero.

vuukle comment

ANG

BONGBONG

FERNANDO POE JR.

PANGULONG FERDINAND MARCOS

POE

ROSEMARIE SONORA

SENATOR FERDINAND

SENATOR FRANCIS

SENATOR GRACE POE

SINABI

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with