^

Police Metro

2 tower ng NGCP, pinasabog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napinsala ang dalawang transmission towers ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) makaraang pasabugan ng bomba ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Brgy. Sugod, Marawi City kamakalawa.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang maitala ang pagsabog sa NGCP transmission towers Number 19 at 20 sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Sugod ng lungsod na ito na sa lakas ng pagsabog ay narinig pa ito may isang kilometro ang layo mula sa national road.

Nagdulot din ng malawakang blackout sa lugar dahil ang nasabing mga transmission towers ay siyang nagsu-suplay ng  kuryente sa AGUS 2 na nakabase sa Brgy. Pawak, Saguiaran, Lanao del Sur hanggang sa bahagi ng Davao Complex.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na Improvised Explosive Device (IED) ang ginamit ng mga suspek sa pagpapasabog.

vuukle comment

BATAY

BRGY

DAVAO COMPLEX

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

LANAO

MARAWI CITY

NAGDULOT

NAPINSALA

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

PAWAK

SUGOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with