^

Police Metro

2 mangingisda utas sa pamamaril

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang mangingisda ang napaslang matapos na ratratin ng mga hindi kilalang kalalakihang lulan ng bangkang de-motor sa karagatang malapit sa Isla Bato sa bayan ng Malangas, Zamboanga del Sibugay, kamakalawa.

Sa ulat ni PO2 Edmon Jumalon, kinilala ang mga biktima sina Ramil dela Cruz at Reneboy Duran, mga nakatira sa Visinzo Sagon, Zamboanga del Sur.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, ang mga biktima ay patungong bayan ng Malangas mula sa bayan ng Sagon para maglako ng mga lobster nang harangin at ratratin ng mga di-kilalang lalaking lulan din ng bangkang de-motor.

Tinangay ng mga suspek ang malaking halaga na kinita ng mga biktima sa paglalako ng mga lobster at laman-dagat.

vuukle comment

CAMP CRAME

CRUZ

DALAWANG

EDMON JUMALON

ISLA BATO

MGA

RAMIL

RENEBOY DURAN

SAGON

VISINZO SAGON

ZAMBOANGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with