^

Police Metro

Mister inutas ng manliligaw ni misis

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 21-anyos na mister matapos na hambalusin ng kawayan sa ulo ng tatlong lalaki kabilang ang nanliligaw sa kanyang misis kamakalawa ng gabi sa Bagong Lipunan, Brgy. 2 Poblacion, Vinzons, Camarines Norte.

Ang nasawi ay kinilalang si Joel Mago, residente ng Purok 2, Calangcawan Norte ng nasabing bayan.

Naaresto ang dalawa sa tatlong suspek na sina Brixon Dimas, 24, binata, ng Brgy 1, Poblacion at Richard Delos Santos, 24, binata, ng Brgy Mancawayan, Calaguas Islands.

Lumalabas sa imbestigasyon na bago nangyari ang krimen dakong alas-8:00 ng gabi ay nagtungo ang biktima at kaibigan na si Manuel Paor sa Bagong Lipunan para uminom ng alak sa isang tindahan doon.

Dito ay nakita ng biktima ang isang lalaki at kinompronta kung bakit nililigawan ang kanyang misis.

Kaagad umalis ang nasabing lalaki at ilang sandali ay bumalik ito kasama sina Dimas at Delos Santos na mga armado ng kawayan at walang kaabog-abog na pinagtulungang hamba­lusin sa mukha at ulo ang biktima.

Nagsitakas ang tatlong suspek at ang una ay dinala sa ospital, su­balit namatay ito sa daan pa lamang.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad at naaresto sina Dimas at Delos Santos habang pinagha­hanap ang isang kasama na siyang nanliligaw sa misis ng biktima.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGONG LIPUNAN

BRGY

BRGY MANCAWAYAN

BRIXON DIMAS

CALAGUAS ISLANDS

CALANGCAWAN NORTE

CAMARINES NORTE

DELOS SANTOS

DIMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with