^

Police Metro

Magtatay inatado, ginilitan

Non Alquitran - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 30-anyos na call center agent at ang kanyang tatay ang brutal na pinatay ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa loob ng kanilang bahay sa isang subdivision sa Binangonan, Rizal.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Menchu Fulgencio, at tatay na si  Feliciano, 58, na kapwa nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ginilitan pa ang kanilang leeg.

Ayon kay Senior Superintendent Ber­nabe Balba, Rizal police director na si Menchu ay na­kababa ang panty, subalit aalamin pa ito ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) kung ito ay nahalay.

Inatasan ni Balba ang pulisya na laliman ang imbestigasyon dahil posib­leng kilala ng mag-ama ang mga suspek dahil walang naganap puwersahan pinasok ang kanilang  bahay na matatagpuan sa Lot 5, Block 14, Phase 1, St. Monique Subdivision, Barangay Darangan. Ayon kay Chief Inspector Bartolome Marigondon, hepe ng Binangonan police na ang bangkay ng mag-ama ay nadiskubre ng isa pang anak na si Regie, 20, nang dumating ito mula sa pamamalengke kasama ang nanay dakong alas-4:20 ng hapon noong Sabado.

“Nang dumating kami ng nanay ko ay sarado ang harapang pintuan kaya’t sinira ko ito at natagpuan ang duguang katawan ng aking ama sa sala. Nang umakyat ako ay nakita ko ang aking ate na nakatali ang dalawang kamay at  duguan sa kama at kapwa gilit ang mga leeg.” wika ni Regie.

Ayon naman sa mga kapitbahay na wala silang narinig na anumang kaguluhan sa loob ng bahay ng mga biktima na nalaman lang nila na may naganap na krimen nang ito ay madiskubre ng anak.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BALBA

BARANGAY DARANGAN

BINANGONAN

CHIEF INSPECTOR BARTOLOME MARIGONDON

MENCHU FULGENCIO

MGA

NANG

RIZAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with