^

Police Metro

Notoryus na holdaper nilikida ng kabaro

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - N apatay ang 23-anyos na la­laki na sinasabing notoryus na holdaper matapos itong pagsasaksakin ng hindi pa kilalang lalaki na pinaniniwalaang kabaro nito noong Sabado ng umaga sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Joel Camara ng Block 9 Lot 5 Samatad Compound sa Tanigue Street, Brgy. 14 sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang maganap ang pananaksak kay Camara sa loob ng Aladdin Compound sa tapat ng Safari Corporation sa Brgy. 14.

Isinugod pa sa CCMC ang biktima ngunit nalagutan din ng hininga habang ibinibiyahe dahil sa dami ng saksak na tinamo nito.

Blangko naman ang mga pulis sa pagkaka­kilanlan ng suspek.

Sa background check ng pulisya, lumilitaw na sangkot sa serye ng panghoholdap si Camara.

Pinaniniwalaang ka­sa­mahan ni Camara ang nasa likod ng pamamaslang.

 

vuukle comment

ACIRC

ALADDIN COMPOUND

ANG

BLANGKO

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

JOEL CAMARA

SAFARI CORPORATION

SAMATAD COMPOUND

TANIGUE STREET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with