^

Police Metro

Lolo utas sa ‘sex enhancer’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hinihinalang hindi nakayanan ng isang 63-anyos na lolo ang tama ng ininom nitong “sex enhancer” matapos itong atakihin sa puso habang makikipagtalik sana sa isang bayarang babae sa loob ng inupahang hotel kamakalawa ng gabi sa Old Sta. Mesa, Sta. Mesa, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Lourdes Hospital ay kinilalang si Jake Tesorero, upholstery contractor at residente  ng  Arciaga St., San Juan,  City.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi ay nag-check in ang biktima sa Prince Court Hotel para sa dalawang oras na short time kasama ang isang bayaring babae na itinago sa pangalang Magda.

Hindi pa man umano nagsimula ang pagtatalik ay  napansin na ni Magda ang biktima na tila may dinaramdam sa katawan at nagsabing pagod na pagod at ilang sandali ay bigla itong nag-collapse.

Tumawag ang babae sa staff ng hotel para madala sa pagamutan, subalit hindi na ito uma­bot ng buhay.

Malaki ang hinala ng pulisya na peke ang ininom na sex enhancer o pampagana sa pagtatalik na hindi nakayanan ng puso nito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARCIAGA ST.

BATAY

HINIHINALANG

JAKE TESORERO

LOURDES HOSPITAL

MAGDA

OLD STA

PRINCE COURT HOTEL

SAN JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with