^

Police Metro

2 drug pusher dedo sa buy bust

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na hinihinalang drug pushers ang nasawi nang umano’y manlaban sa mga tropa ng District Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (DAIDSOTG) na aaresto sa kanila sa isang buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang mga nasawing suspek ay nakilala lamang sa mga alyas Alvin at Mar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-4:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Mindanao Avenue, pagitan ng Belfast St., Regalado kanto ng Brgy. Greater Fairview ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hingil sa bentahan ng shabu ng mga suspek na miyembro ng “Samuel Drugs Group”.

Nagkunwaring bibili ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer na nagkakahalaga ng P10,000 at nagkasundo na magpalitan ng items sa naturang lugar.

Habang isinasagawa ang transaction ay nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-deal at napuna presensya ng mga pulis na nakasibilyan.

Kaya’t naglabas umano ng baril ang mga suspek at pinaputukan ang mga otoridad, dahilan para gumanti ng putok ang mga huli at nauwi sa engkwentro at napatay ang dalawang suspek.

Narekober ng mga otoridad sa tabi ng mga suspek ang apat na piraso ng plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P10,000; isang kalibre 45 pistola na may dalawang bala; isang kalibre 38 baril na may tatlong bala; isang digital weighing scale; isang kulay itim na sling bag; at isang motorsiklo.

vuukle comment

ALVIN

ANG

BATAY

BELFAST ST.

DRUGS GROUP

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

GREATER FAIRVIEW

ISANG

MGA

MINDANAO AVENUE

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with