^

Police Metro

Snatcher na tinedyer itinumba ng nakamotor

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay ang isang 17-anyos na binatilyo nang ito ay barilin ng isang lalaking lulan ng motorsiklo matapos ang una ay nang-agaw ng cellphone ng isang estudyante sa loob ng pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si  Rommel Resureccion, 17, ng no. 1650-G Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril kay Resureccion dakong alas-7:30 ng gabi sa harapan ng New Raquel Bread House na matatagpuan sa no. 1710 Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila ay hi­nablot nito ang cellphone ng isang pasahero na si Francesca Calalay, estud­yante, habang nakahinto ang sinasakyang dyip sa panulukan ng Rizal Ave­nue at San Lazaro Sts.

Mabilis na tumatakbo si Ressureccion sa direksyon ng Rizal Avenue southbound nang isang hindi nakilalang lalaki na nakasakay sa  Enduro type motorcycle na armado ng kalibre .45 ang bumaril nang magkakasunod sa una na bumulagta sa kalye.

Minalas na tamaan ng ligaw na bala ang isang mag-ama na sakay naman ng Toyota Corolla (UDU 776) na kinilalang sina Gary Caingat, 34; Earl Gabriel, 7, kapwa residente ng no. 50 Sto. Niño st., Zone 4, Signal Village, Taguig City.

Biglang naglaho ang lalaking namaril na posibleng nag-aabang ng mga holdaper at snatcher sa nasabing lugar.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CRUZ

EARL GABRIEL

FRANCESCA CALALAY

G OROQUIETA ST.

GARY CAINGAT

MAYNILA

NEW RAQUEL BREAD HOUSE

RIZAL AVE

RIZAL AVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with