^

Police Metro

Tsuper ng jeep inutas ng lalaking tumatawid

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang tsuper ng jeep matapos na malapitang barilin ng isang lalaking kamuntik na nitong masagsaan habang tumatawid kamakalawa sa Makati City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Jerick Cadangan, 36, may-asawa, ng Sampaguita St., Katipunan Village,  Taguig City.

Batay sa ulat, dakong alas-2:45 ng hapon ay minamaneho ng biktima ang kanyang jeep na may rutang Waltermart (Makati)-FTI at nang kakaliwa ito sa Chino Roces Avenue at  Arnaiz A­venue malapit sa Waltermart mall ay muntik na nitong masagasaan ang isang lalaki na tatawid na tila binalewala ng biktima.

Nagalit ang nasabing lalaki at bumunot ng isang  kalibre 22-cal. at nilapitan ang biktima na nakahinto sa hindi kalayuan para maghintay ng mga pasahero.

Kinompronta ng suspek ang biktima na humingi naman ng pasensiya, subalit pinalo sa mukha na naging dahilan ng pagkasugat ng kilay nito.

Hindi pa nasisiyahan ay pinutukan ng suspek ang biktima sa mukha at nang bumulagta ay agad itong tumakas.

Inilarawan ng mga saksi ang suspek na kalbo, nasa 50 ang edad, may taas na 5’7”, malaki ang katawan nakasuot ng kulay dilaw na kamiseta at medyo pilay kung maglakad.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARNAIZ A

BATAY

CHINO ROCES AVENUE

JERICK CADANGAN

KATIPUNAN VILLAGE

MAKATI CITY

SAMPAGUITA ST.

TAGUIG CITY

WALTERMART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with