^

Police Metro

46 katao nalason sa birthday party

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadala sa ospital ang 46 katao na pawang magkakamag-anak matapos na malason sa kinaing handa sa dinaluhang birthday party kamakalawa sa Brgy. San Sebastian, Sta. Barbara, Iloilo.

Batay sa ulat, bago nalason ang mga biktima dakong alas-3:00 ng hapon ay kumain ang mga ito ng handa na pritong manok at karne na inihalo sa pancit canton para sa pagdiriwang ng kaarawan ng isang miyembro ng pamilya Agraviador.

Ilang oras matapos na kumain ay nagsimula ng makaranas ng pananakit ng tiyan, ulo, pagsusuka at  pagtatae ang mga biktima kaya’t isinugod ang mga ito sa Western Visayas Medical Center para malapatan ng lunas.

Nang suriin ang mga sangkap na ginamit sa pag­luluto ay matagal pa ang ‘expiration’ nito  habang sinabi ng katulong ng pa­milya na halos durog-durog na ang karne ng manok na kanilang iniluto na mabaho na ang amoy nito.

Nakatakdang isailalim sa pagsusuri ng mga health officials ang sample ng inihandang pagkain sa birthday party.

vuukle comment

ACIRC

AGRAVIADOR

ANG

BATAY

BRGY

ILANG

ILOILO

MGA

NADALA

SAN SEBASTIAN

WESTERN VISAYAS MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with