^

Police Metro

2 sundalo todas sa Abu Sayyaf Group ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawang sundalo nang tambangan  ng mga armadong kala­lakihan na pinaghihinalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kamakalawa sa bisinidad ng Brgy. Latih, Patikul, Sulu.

Ang mga nasawing sundalo ay kinilalang sina Pfc. Bryan Sayson  ng Kapatagan, Lanao del Norte at Pfc. Rey Lucasan ng Tambulig, Zamboanga del Sur na pawang miyembro ng Charlie Company ng Army’s 35th Infantry Battalion (IB) na nakatalaga sa Latih Detachment sa lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ay nakasibilyan ang dalawang sundalo na lulan ng motorsiklo at pabalik na sa detachment nang sila ay pagbabarilin.

Nagsagawa ng reinforcement operations ang tropa ng mga sundalo at nakasagupa ang mga bandido na tumagal ng limang minuto kung saan narekober sa lugar ng bakbakan ang isang COLT M16 rifle, isang cal 30 automatic rifle at isang cellphone.

 

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ANG

BATAY

BRGY

BRYAN SAYSON

CHARLIE COMPANY

INFANTRY BATTALION

KAPATAGAN

LATIH DETACHMENT

REY LUCASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with