^

Police Metro

Matandang Tsinoy patay sa akyat-bahay

Randy Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuang patay sa loob ng kanyang silid ang isang 86-anyos na Tsinoy nang ito ay ataduhin nang saksak ng hindi pa kila­lang suspek na pumasok sa kanyang bahay kahapon ng madaling araw sa Olongapo City.

Ang biktima na nasawi dahil sa anim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at palo ng martilyo sa ulo ay nakilalang si Francisco Lim, 86, ng #1 17th St., East Bajac-Bajac.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang dumating ang katulong ng biktima na si Bertila Coraza para maghatid ng almusal.

Laking gulat nito ng masilip niya sa silid ang biktima na  duguan at wala ng buhay.

Ayon sa salaysay ng kaanak na Linggo ng alas-3:00 madaling araw ay narinig ng mga kapitbahay ang pagtatalo ng biktima at sa kausap nito sa bahay at ilang sandali ay nagkaroon ng katahimikan at nakita ang suspek na tumalon sa bakuran. 

Sa pagsisiyasat ng pulisya na ang motibo ng pagpatay sa biktima ay pagnanakaw dahil nawawala ang mahahalagang dokumento at pera ng biktima.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BATAY

BERTILA CORAZA

BIKTIMA

EAST BAJAC-BAJAC

FRANCISCO LIM

LINGGO

NATAGPUANG

OLONGAPO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with