^

Police Metro

Mag-utol nalunod sa dagat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang magkapatid na lalaki ang nilamon ng dagat makaraang malunod ang mga ito habang nanghuhuli ng isda sa karagatan ng  Brgy. Butuan, Aninniy, Antique kamakalawa.

Ang magkapatid na patuloy pang pinagha­hanap ay kinilalang sina Riel Kurt, 14 at Rickson Inson, 12.

Batay sa ulat, ala-1:20 ng hapon ay nagkatuwaan ang magkapatid kasama ang tatlong kaklase na kinilalang sina Cyrus Magbanua, 14; Moises Sasi, 12 at Elmer John Niangar, 12 na manghuli ng isda.

Habang nanghuhuli ng isda ay biglang uma­lon ng malakas at tina­ngay ang mga ito dulot ng masamang lagay ng panahon sa karagatan.

Nasaksihan naman ng ilang residente na nagkataong nasa tabing dagat at sinaklolohan ang mga bata kung saan nailigtas ang tatlo maliban sa magkapatid na kapwa hindi umano marunong lumangoy na patuloy pang pinagha­hanap.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANINNIY

BATAY

BRGY

BUTUAN

CYRUS MAGBANUA

ELMER JOHN NIANGAR

MOISES SASI

RICKSON INSON

RIEL KURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with