^

Police Metro

Pulis-Caloocan itinumba

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malapitang binaril ang isang pulis ng hindi pa kilalang gunman malapit sa kanyang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na agad namatay ay kinilalang si SPO1 Armando Garcia, 43, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 1, Caloocan City Police, residente ng Barangay 142, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi malapit sa bahay ng biktima sa pa­nulukan ng Panday Pira at
Tirona Sts., Barangay  166, Bagong Barrio ay nakatayo ang biktima nang lapitan ng suspek, na nakasuot ng kulay berdeng  baseball cup at may dalang shoulder bag na kulay itim.

Kinuha ng suspek ang baril sa kanyang bag at malapitang pinagbabaril  ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nang masiguro ng suspek na patay na ang biktima ay tumakas ito sakay ng isang kulay itim na motorsiklo na hindi naplakahan.

Inaalam ng pulisya kung nakuhanan ng CCTV na nakakabit sa lugar ang insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARMANDO GARCIA

BAGONG BARRIO

BATAY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

INAALAM

PANDAY PIRA

POLICE COMMUNITY PRECINCT

TIRONA STS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with