^

Police Metro

Lovers tinagpas ang leeg

Pang-masa

MANILA, Philippines - Brutal ang naging kamatayan ng maglive-in partner na matanda matapos na sila’y pagsasaksakin at pagtatagain sa leeg na halos ikaputol ng kanilang ulo naganap sa Purok Sinait, Dagatkidavao, Valencia City, Bukidnon.

Sa ulat na natanggap ni Inspector Jiselle Longakit, spokesperson ng Bukidnon Police, dakong alas-8:00 ng umaga noong Biyernes Santo nang madiskubre ang bangkay ng mga biktima sa kanilang kubo sa farm ng negosyanteng si Robert Donato na kanilang binabantayan.

Ang nasawing mga biktima ay kinilalang sina Modesto Man-okil, 80-anyos at ang matandang babae na tinukoy lamang sa pangalang Perfecta, tinatayang nasa 80-anyos rin.

Kapwa nagtamo ng mga taga at saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular na sa bahagi ng kanilang ulo ang dalawang matanda.

Magulong magulo rin ang loob ng kubo na tinutuluyan ng mag-asawa nang dumating ang mga nagrespondeng SOCO team ng pulisya.

Sa pahayag ng ilang mga residenteng naninirahan sa bukana ng  nasabing farm tatlong motorsiklo na sinasakyan ng hindi pa nakilalang mga kalalakihan ang nakita nilang lumabas sa nasabing farm ilang oras bago nadiskubre ang krimen.

Pinaniniwalaan namang pagnanakaw ang motibo ng pamamaslang sa dawalang matanda. - Joy Cantos-

 

ANG

BIYERNES SANTO

BUKIDNON

BUKIDNON POLICE

DAGATKIDAVAO

INSPECTOR JISELLE LONGAKIT

JOY CANTOS

MODESTO MAN

PUROK SINAIT

ROBERT DONATO

VALENCIA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with