^

Police Metro

Kelot niratrat ng mag-ama

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagtulungang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang 54-anyos na lalaki ng isang mag-ama na kanyang kapitbahay kamakalawa sa Caloocan City.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala ng kalibre 45 sa katawan ay kinilalang si Roberto Morales, may-asawa, jobless, ng Block 18 Lot 19 Corum Street, Senate Village, Brgy. 173, ng lungsod.

Tumakas naman ang mag-ama na sina Abbubakhar Dimaro, alyas “Boy Muslim”, 52; at si Malikfahad Dimaro, 24, binata, kapwa residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat, bago nangyari ang pagbaril sa biktima dakong alas-3:15 ng hapon ay nakipag-inuman muna ito sa mga kaibigan at nang matapos ay inihatid na niya ang mga bisita. 

Sa pagbalik sa kanilang lugar ay nakasagutan nito ang nakakatandang Dimaro sa hindi pa mabatid na dahilan.

 Pumasok ng bahay si Dimaro at nang bumalik ay armado na ng baril at pinaputukan ang biktima. 

Nakisali na rin si Malikfahad na pinagbabaril rin ang biktima gamit ang isa pang baril saka nagsitakas.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong murder laban sa mag-amang Dimaro.

vuukle comment

ABBUBAKHAR DIMARO

ANG

BOY MUSLIM

BRGY

CALOOCAN CITY

CORUM STREET

DIMARO

INIHAHANDA

MALIKFAHAD DIMARO

ROBERTO MORALES

SENATE VILLAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with