^

Police Metro

Milyon halaga ng deodorant tinangay ng mga ‘Pulis’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakasuot ang apat sa anim na lalaki ng PNP uniform nang harangin at i-hijack ang isang 10 wheeler truck na naglalaman ng mga produkto ng Unilver Philippines kamakalawa sa kanto ng Ramon Magsaysay Boulevard at V. Mapa St., Sta. Mesa, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang harangin ng anim na kalalakihan na ang apat ay nakasuot ng PNP patrol uniforms  at  sakay ng Toyota Avanza na kulay puti (TVB-847) ang 10-wheeler truck na kargado ng Rexona product na tinatayang aabot sa milyong piso.

Ipinosas ang driver na si Marvin Orcojada, 28 at pahinanteng si Joey Pacao, 30 at pinasakay sa Avanza  kasama ang tatlong suspek habang ang tatlo naman ay kinumander ang truck.

Nang sumapit sa Sta. Cruz, Bulacan ay pinababa ang dalawa at tuluyang tinangay ang truck.

 

vuukle comment

ANG

AVANZA

BULACAN

CRUZ

IPINOSAS

JOEY PACAO

MAPA ST.

MARVIN

RAMON MAGSAYSAY BOULEVARD

TOYOTA AVANZA

UNILVER PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with