^

Police Metro

Vandolph naka-aksidente sa Parañaque

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasangkot muli sa isang aksidente ang aktor na si Vandolph Quizon nang mabangga nito ang dalawang sasakyan kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Nasugatan ang biktimang si Michael Pereira, 40, ng #106 Victory Avenue, Tatalon, Quezon City na agad din pinalabas ng ospital dahil bahagyang sugat lang ang natamo.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-8:30 ng umaga sa harapan ng PAGCOR, sa North bound ng kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue, Barangay Santo Niño ay minamaneho ni Vandolph ang kanyang Toyota Fortuner (UOO-707) nang maplatan ito kaya’t sumalpok sa center island at nasalpok ang parating na motorsiklo ni Pereira at Toyota Hi-Lux (WTB-519)  na minamaneho ni Leonardo Tapino, 48.

Magugunita na noong Nobyembre 21, 2007 ay nasangkot din ito sa aksidente na kamuntik na niyang ikamatay.

vuukle comment

BARANGAY SANTO NI

LEONARDO TAPINO

MICHAEL PEREIRA

NINOY AQUINO AVENUE

QUEZON CITY

TOYOTA FORTUNER

TOYOTA HI-LUX

VANDOLPH QUIZON

VICTORY AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with