^

Police Metro

Trader, paslit utas sa ambush

Non Alquitran - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ang isang may ari ng traveling agency at anak nitong 7-anyos na babae nang pagbabarilin sila ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na naganap kahapon sa Antipolo City, Rizal.

Kapwa nasawi ang mga biktimang sina Ri­chard Sola, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo, kanang kamay at likod. Habang ang anak nitong babae na si Rica, 7, ay tinamaan sa ulo.

Ayon kay Rizal police director, Si Supt. Bernabe Balba na ang posibleng nakikita nilang motibo sa pagpatay sa mag-ama ay matagal nang alitan.

Napag-alaman nilang nagreklamo ang biktima batay sa batay sa blotter ng kanilang barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga kahapon ay umalis ng kanilang bahay ang mag-ama na matatagpuan sa Lot 25, Block 9, Sta. Elena Village, Brgy. San Jose kasama ang aplikante na si Rowelyn Encarnacion sakay ng asul na Ford Escape (WTQ-116) para ihatid ng ama anak sa eskwelahan nito sa Dalig Ele­mentary School na kung saan ay Grade 1 si Rica.

Pagdating sa E. Rodriguez St., Sitio Parugan, Brgy. San Jose na may la­yong 400 metro sa kanilang bahay nang harangin sila ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo at bumunot ng baril at walang kaabog-abog na pinaputukan ang matandang Sola na sinubukang koberan ang anak na nakaupo sa harapan habang si Encarnacion ay nakaupo sa likod kaya’t hindi ito tinamaan ng mga bala.

Nang matiyak ng mga suspek na patay na ang matandang Sola ay mabilis na tumakas ang mga ito patungong Circumferential Road sakay ng kanilang motorsiklo na walang plaka.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BERNABE BALBA

BRGY

CIRCUMFERENTIAL ROAD

DALIG ELE

ELENA VILLAGE

FORD ESCAPE

RICA

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with