^

Police Metro

Pulis tinodas sa gate ng iskul

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagbabaril ang nakamotorsiklong pulis habang ito ay papalabas sa gate ng eskwelahan ng tatlong lalaki kamakalawa sa Purok Santalan, Poblacion, Dinas, Zamboanga del Sur.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala ng kalibre 45 baril ay kinilalang si SPO1 Edwin Pascua, 43, miyembro ng Dinas Police Station, ng Purok Chandeller, Poblacion, Dinas ng lalawigang ito.

Natukoy naman ang isa sa tatlong gunman na si Anwar Ansang.

Nasugatan naman ng tamaan ng ligaw na bala ang estudyanteng si Norhana Molahaw, 15-anyos na nagtamo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng kaniyang katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga sa harapan ng Dinas Central Elementary School sa Purok Santalan, Poblacion, Dinas ay lulan ng kulay dilaw at itim na Honda XRM 125 ang biktima palabas na sa gate ng nasabing eskuwelahan pabalik sa kanyang trabaho nang pagbabarilin  ng mga suspek na armado ng cal 45 pistol at cal 9 MM pistol na agad nitong ikinasawi.

Habang minalas namang tamaan ng ligaw na bala si Molahaw.

vuukle comment

ANWAR ANSANG

BATAY

DINAS

DINAS CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

DINAS POLICE STATION

EDWIN PASCUA

HABANG

NORHANA MOLAHAW

PUROK CHANDELLER

PUROK SANTALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with