^

Police Metro

Preso inutas sa kanyang paglaya

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa mismong araw ng kanyang paglaya pinagbabaril at napatay ang isang preso habang katabi ang kanyang misis sa loob ng pedicab kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa leeg ay kinilalang si Mario Pagaura, 35-anyos, miyembro ng Sputnik gang at residente ng Building 27, Unit 86, Temporary Housing sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pagpatay sa biktima dakong alas-8:15 ng gabi sa Capulong St., Tondo ay inaresto ito noong Marso 4 sa kasong illegal drugs.

Nang isalang sa inquest proceedings ay nagpalabas naman ng resolusyon ang Manila Prosecutors Office ng release order dahil “for further investigation” pa ang kasong kinakaharap.

Pinalaya ang biktima sa MPD-station 1 detention facility na sinundo pa ng kaniyang live-in partner na si  Edna Musni na sakay sa pedicab.

Walang kamalay-malay ang biktima na sinundan sila ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at nang makadikit ay pinagbabaril ang una na agad nitong ikinasawi. Hindi naman sinaktan ang driver at si Musni.

vuukle comment

BATAY

CAPULONG ST.

EDNA MUSNI

MANILA PROSECUTORS OFFICE

MARIO PAGAURA

MARSO

MAYNILA

MUSNI

NANG

TEMPORARY HOUSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with