^

Police Metro

15-anyos nagbaril sa ulo

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagpakamatay ang isang 15-anyos na binatilyo matapos magbaril sa ulo sa loob ng kanyang kuwarto kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion 5, Ama­deo, Cavite.

Ang biktima na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ay kinilalang si Orlie Batac­lan, high school student ng Pangil National High School sa nasabing bayan.

Sa ulat ng mga magulang ng biktima sa pulisya na bago nangyari ang pagpapakamatay ng kanilang anak dakong alas-7:00 ng gabi ay umuwi itong lasing at pumasok sa kanyang silid at kinandado.

Ilang sandali ay bigla na lamang nakarinig ng putok ng baril ang mga magulang kaya’t kinuha nila ang duplicate ng susi sa kuwarto ng anak at nang mabuksan ay bumulaga sa kanila ang duguang katawan ng biktima na may tama ng bala sa ulo.

Mabilis na dinala nila ito sa ospital, subalit namatay din ito kinabukasan.

Isinuko ng mga magulang ang baril na cal 45 pistol armscor na ginamit ng biktima sa pagbaril sa sarili.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang bagets.

vuukle comment

BRGY

CAVITE

ILANG

ISINUKO

MABILIS

NAGPAKAMATAY

ORLIE BATAC

PANGIL NATIONAL HIGH SCHOOL

PATULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with