^

Police Metro

Holdaper utas sa pulis

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang holdaper nang mabaril ng isang pulis na rumesponde nang holdapin nito ang isang babae kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Jerome Gallado, 29, ng NIA Road, Brgy. Pinyahan sa lungsod.Habang nakatakas ang isang kasama nito.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi sa kahabaan ng EDSA-NIA Road ay naglalakad ang biktimang si Monica Soleil Mercado, 29, kawani ng Globe telecom sa may bahagi ng GMA MRT Station sa Brgy. South Triangle nang lapitan ng dalawang lalaki at nagdeklara ng holdap.

Nagkataon naman na nagpapatrulya si PO1 Valentino Asa  na nakapansin sa komosyon kaya’t hinabol ang mga suspek.

Nang makalapit ang pulis ay pinaputukan ito ng isa sa mga suspek dahilan para gumanti ang una at tinamaan si Gallado.

vuukle comment

BATAY

BRGY

GALLADO

HABANG

JEROME GALLADO

MONICA SOLEIL MERCADO

NAGKATAON

QUEZON CITY

SOUTH TRIANGLE

VALENTINO ASA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with