^

Police Metro

Lola dedo, 1 kritikal sa kawatan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 76-anyos na lola ang patay habang kritikal naman ang kakambal nito nang pasukin ng umano’y magnanakaw ang kanilang tinutuluyang bahay sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nakilala ang nasawi na si Purisima Torregrosa,  dalaga, habang sugatan naman ang kapatid nitong si Pura.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya ang magkapatid na kambal ay pitong taon nang caretaker sa naturang bahay sa No. 86 Talayan Road, Talayan Village, Brgy. Talayan sa lungsod kung saan sila kasalukuyan naninirahan.

Nadiskubre ni Albert Torregrosa, anak ni Pura, ang insidente  dakong alas 9:10 ng gabi. Dinatnan umano niya ang gate ng kanilang bahay na bahag­yang nakabukas. Natagpuan niya ang tiyahing si Purisima na nakalugmok malapit sa main door habang ang kanyang inang si Pura ay nasa kuwarto at walang malay-tao.

Sa tulong ng mga kapit-bahay ay itinakbo ang mga biktima sa Chinese General Hospital.

Sa inisyal na pagsisiyasat lumalabas na robbery  ang motibo sa krimen dahil nawawala ang 22 inch Led Television sa bahay ng mga biktima.

Puwersahan umanong sinira ang main door ng bahay ng mga biktima at saka sinimulang limasin ang nasabing gamit.

vuukle comment

ALBERT TORREGROSA

AYON

CHINESE GENERAL HOSPITAL

LED TELEVISION

PURA

PURISIMA TORREGROSA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

TALAYAN ROAD

TALAYAN VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with