^

Police Metro

Ex-priest binoga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang isang dating pari ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa bayan ng Maramag, Bukidnon kamakalawa.

Ang biktimang si Teresito Labastilla, 45, ay idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.

 Ayon sa pulisya naganap ang krimen sa harapan ng Maramag  Central Elementary School na matatagpuan sa kahabaan ng Dionisio Micayabas St., Brgy. North Poblacion sa nasabing bayan dakong alas-7:45 ng umaga.

 Sa imbestigasyon lumalabas na  kahahatid lamang ng biktima sa anak nitong lalaki sa nasabing eskuwelahan nang biglang sumulpot ang dalawang lalaking lulan ng motorsiklo.

 Agad pinaputukan ng backrider ng sunud-sunod ang biktima hanggang sa duguan itong mahandusay sa nasabing lugar.

 Nabatid na ang biktima ay dating Kura Paroko ng Simbahang Katoliko sa  Malaybalay City at San Fernando pero kumalas ito sa pagpapari matapos na umibig sa isang babaeng deboto sa simbahan.

 Samantalang tumakbo rin itong alkalde ng Lantapan noong 2013 local election pero natalo kay incumbent Mayor Godofredo Balansag.

 Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad  sa motibo ng krimen.

vuukle comment

CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

DIONISIO MICAYABAS ST.

KURA PAROKO

MALAYBALAY CITY

MARAMAG

MAYOR GODOFREDO BALANSAG

NORTH POBLACION

SAN FERNANDO

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with