^

Police Metro

3 itinumba sa droga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang tatlong katao kabilang ang isang babae sa Iligan City, Lanao del Norte kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Ramil Magalop, 39; alyas Cris at ang babae na alyas Ophel.

Sa ulat ni Supt. Orlando Benas, Director ng Iligan City Police, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang dumating sa lugar ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo at pinasok ang bahay ni Magalop na matatagpuan sa Consunji St., Brgy. Poblacion at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima sa ulo.

Mabilis na nagsitakas  ang mga suspek at sa pagresponde ng mga otoridad ay narekober sa lugar ang  ilang sachets ng shabu, drug paraphernalias at humigit kumulang na P 200.000 cash na hinihinalang pinagbentahan ng mga biktima sa droga at mga basyo ng bala ng kalibre .45 baril.

Pinaniniwalaan ng mga otoridad na onsehan sa droga ang motibo ng pamamaslang.

 

vuukle comment

BRGY

CONSUNJI ST.

ILIGAN CITY

ILIGAN CITY POLICE

LANAO

MABILIS

MAGALOP

ORLANDO BENAS

RAMIL MAGALOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with