^

Police Metro

2 sibilyan napatay sa ‘Mamasapano clash’

Pang-masa

MANILA, Philippines - Binawian na ng buhay ang dalawa sa anim na sibil­yan na tinamaan ng bala nang maipit sa bakbakan sa pagitan ng mga mi­yembro ng Special Action Force (SAF) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Myrna Angot, Officer in Charge ng Office of Civil Defense (OCD-ARMM), binawian na ng buhay ang mga biktimang sina Sara Panangulon, 5 at Badrudin Langalan, 22.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa  pagamutan ang mga sugatang sina Tot Panangulon, misis nitong si Samra Panangulon; Saad Minidal, 15, Saed Sangkutin, 19.

Sa pahayag ni Angot, nasa 1,324 pamilya o kabuuang 6, 620 katao  mula sa anim na barangay ang naapektuhan ng bakbakan sa pagitan ng SAF commandos, Bangsamoro Isla­mic Freedom Fighters (BIFF) at MILF rebels sa Sitio Inogog, Brgy. Tuka­nalipao, Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Sa pinakahuling ulat ay nagsimula ng magbalikan sa kanilang mga taha­nan ang mga apektadong pamil­ya. - Joy Cantos-

vuukle comment

BADRUDIN LANGALAN

BANGSAMORO ISLA

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

FREEDOM FIGHTERS

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MYRNA ANGOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with