^

Police Metro

Amerikano patay sa love triangle

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang American citizen ng dalawang di kilalang suspek sakay ng motorsiklo sa  Barangay Sum-ag, Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing biktima  na si Bernard Jereza, 46, ay idineklarang dead-on-arrival sa Bacolod Adventist Medical Center dahil sa tinamong apat na tama ng tama ng bala ng cal. 45 pistol. 

Sa imbestigasyon, dakong alas-7 ng gabi ng maganap ang insidente sa nasabing lugar kung saan kadarating lang ng biktima, live-in partner nito at anak sa bahay ng tiyuhin. Ngunit bigla na lang umanong dumating ang mga suspek at biglang pinagbabaril ang biktima.

 Narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala. Pinaniniwalaang love triangle ang motibo ng krimen habang patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

BACOLOD ADVENTIST MEDICAL CENTER

BACOLOD CITY

BARANGAY SUM

BERNARD JEREZA

NAREKOBER

NEGROS OCCIDENTAL

NGUNIT

PINAGBABARIL

PINANINIWALAANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with