^

Police Metro

1 patay 1 sugatan sa inuman

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang mister at sugatan naman ang kasama nito nang pagbabarilin ng isang hindi pa nakikila­lang lalaki habang ang una ay nakikipag-inuman sa isang lugar sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Roberto Declines, 31, ng Moral St., Brgy. Bagong Pag-asa sa lungsod, habang patuloy namang inoobserbahan sa ospital ang sugatang si McJebyver Potestades, 27, binata, merchandizer ng nasabi ring barangay.

Inilarawan naman ang suspek na may taas na 5’10, walang damit pang-itaas, nakasuot ng short pants, ay natatakpan ng towel ang kalahati ng kanyang mukha.

Sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa may compound na tinutulu­yan ng mga biktima ganap na alas-8:10 ng gabi, kung saan nag-iinuman ang mga ito nang bigla na lang pagbabarilin ng suspek na may takip ang mukha. Agad na tumakas ang suspek na patungo sa direksiyon ng Edsa.

Matapos nito, kapwa isinugod ang mga biktima sa East Avenue Medical Center, pero idineklarang dead on arrival si Declines, habang nilalapatan naman ng lunas si Potestades. Nakuha ng otoridad sa lugar ang limang basyo ng kalibre 9mm na baril at patuloy na iniimbestigahan ang motibo ng pagpatay.

vuukle comment

BAGONG PAG

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EDSA

INILARAWAN

KINILALA

MORAL ST.

POTESTADES

ROBERTO DECLINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with