^

Police Metro

Hostage taker napatay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga otoridad ang isang 36-anyos na lalaki na bangag sa droga nang ito ay barilin matapos na saksakin ang hinostage na live-in partner  kahapon ng madaling araw sa Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas City, Cavite.

Ang suspek ay kinilalang Toti Asibar, ng Blk 1, Lot 1, Brgy. Victoria Reyes ng lungsod na ito.

Batay sa ulat, dakong alas-12:44 ng madaling araw nang i-hostage ng suspek na noon ay bangag sa droga at armado ng itak ang live in partner na si Kristine Ilano, 30 sa kanilang bahay sa Brgy. Zone 1.

Nagreport ang mga kapitbahay sa mga otoridad na mabilis na nagresponde sa lugar at dito ay isinakay ng suspek ang biktima sa tricycle.

Nakipagnegosasyon ang mga pulis sa  suspek at sa halip na sumuko ay sinimulan na nitong saksakin ang partner kung kaya’t binaril ito sa braso at nabitawan ang itak.

Nang kukunin ng isang pulis ang itak sa nakabulagtang suspek ay bumangon ito at winasiwas ng taga ang  pulis na masuwerteng hindi tinamaan kaya’t binaril na ito na naging sanhi ng kamatayan.- Cristina Timbang-

vuukle comment

BATAY

BRGY

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

DASMARI

KRISTINE ILANO

NAGREPORT

TOTI ASIBAR

VICTORIA REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with