^

Police Metro

Bagong laya, itinumba

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuang patay sa loob ng nakaparadang tricycle ang isang  lalaki na bagong laya  mula sa Manila City Jail kahapon sa Tondo, Maynila.

Ang biktima ay kinilalang si PJ Maizano, 27, na kalalaya lang noong nakaraang linggo dahil umano sa kasong droga.

Batay sa ulat  dakong alas-4:30 ng madaling araw nang madiskubreng patay ang biktima sa loob ng tricycle sa bakanteng lote ng riles sa PNR Compound sa panulukan ng Maria Guizon at Batangas  Sts., Brgy. 228 Zone 21.

Bago natagpuang patay ang biktima bandang alas-2:30 ng madaling araw ay nakarinig ng putok ng baril ang ilang residente malapit sa lugar na pinagtagpuan ng bangkay ng biktima.

Kinaumagahan nang makita ang  bangkay ng biktima na may tama ng bala sa ulo.

 

vuukle comment

BATANGAS

BATAY

BRGY

KINAUMAGAHAN

MAIZANO

MANILA CITY JAIL

MARIA GUIZON

MAYNILA

NATAGPUANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with