^

Police Metro

Iba’t ibang klaseng paputok kinumpiska sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling sinalakay ng mga tauhan ng Manila Police District ang mga sidewalk vendor at kinumpiska ang iba’ ibang klaseng paputok kahapon ng hapon sa Binondo, Manila.

Ayon kay P/Supt. Julius Anonuevo, Station Commander ng MPD-Binondo Police Station 11 ang sorpresang pagsa­lakay sa mga tindahan ng paputok sa M. De Santos St. sa Sto Cristo sakop ng Binondo at nakumpiska ang daang daang paputok tulad ng Plapla; bawang; whistle bomb; Piccolo; kwitis at fountain. 

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-2:30 ng hapon nang salakayin ang lugar at matiyempuhan ang mga nakalatag na paputok.

“Kahit malakas o mahina man ang paputok, kailangan naming kumpiskahin kasi mahigpit ang kampanya ng pamahalaang lokal ang pagbabawal sa mga paputok,” pahayag ni P/Supt. Anonuevo.

Itinurn-over ang mga paputok sa MPD-Bomb Disposal Unit.

 

vuukle comment

BINONDO

BINONDO POLICE STATION

BOMB DISPOSAL UNIT

DE SANTOS ST.

JULIUS ANONUEVO

MANILA POLICE DISTRICT

PAPUTOK

STATION COMMANDER

STO CRISTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with