^

Police Metro

7 katao grinanada

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malubhang nasugatan ang 7 katao matapos na masabugan ng granada na inihagis sa kanila ng kalabang angkan kamakalawa sa palengke ng Parang, Maguindanao.

Ang mga nasugatan na ginagamot sa Notre Dame Regional Hospital ay kinilalang sina Jamila Tomas, Abdullah Tomas, Saima Raoro, SalahodinTomas, Camlon Raoro, Sirikit Magayan at isang tinukoy lamang sa pa­ngalang Locman.

Batay sa ulat na natanggap ni Captain Jo-ann Petinglay, Spokesperson ng Army’s 6th Infantry Division, dakong alas-5:45 ng hapon nang maganap ang pagsabog sa pamilihang bayan ng Brgy. Poblacion 2.

Nabatid na bigla na la­mang hinagisan ng granada ang mga biktima sa nasabing palengke.

Pinagbabaril naman ng mga angkan ng biktima ang mga suspek habang tumatakas na walang tinamaan.

Narekober ng mga otoridad sa lugar ng insidente ang basyo ng cal 9 MM at ang safety lever ng sumabog na granada.

Natukoy naman ng mga otoridad ang isa sa mga suspek na si Sauto Giti ng Matanog, Maguindanao.

vuukle comment

ABDULLAH TOMAS

CAMLON RAORO

CAPTAIN JO

INFANTRY DIVISION

JAMILA TOMAS

MAGUINDANAO

NOTRE DAME REGIONAL HOSPITAL

SAIMA RAORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with