^

Police Metro

2 itinumba ng kapitbahay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isang lalaki at isang babae nang walang kadahilanan ng sila ay pagbabarilin ng isang kapitbahay habang sila ay nakatayo sa harap ng kanilang mga bahay kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Michael Lizada, alyas Eking, 33, ng Phase 10-A, Package 4, Block 54, Lot 6, Bagong Silang at  Jackylyn Pineda, nasa hustong gulang.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Rafael Rebulla,  ng Phase 10-A Package 3, Block 64, Lot 6, Bagong Silang ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-3:15 ng madaling araw ay nagpapahangin sa tapat ng kanyang bahay si Lizada nang biglang dumating ang suspek na armado ng kalibre .45  baril at walang pakundangan pinagbabaril si Lizada na kung saan ay tinamaan din si Pineda ng ligaw na bala.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo ng pagbaril at pagpatay ng suspek.

vuukle comment

A PACKAGE

BAGONG SILANG

BATAY

CALOOCAN CITY

JACKYLYN PINEDA

LIZADA

MICHAEL LIZADA

PATULOY

RAFAEL REBULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with