^

Police Metro

Kagawad dadalo sa Xmas party, binistay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Patay ang isang kagawad matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang motorcycle riding-in-tandem habang patungo sa Christmas party sa Barangay Ramon Magsaysay, Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Roger Espina, 47 anyos, Barangay kagawad ng nasabing bayan, habang patuloy naman na iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakailanlan ng mga suspek.

Sa report ng PNP Regional Office 9, dakong alas-7:20 ng gabi ng mangyari ang pamamaril kung saan sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima na patungo sana sa Sevilleno Beach Resort para dumalo ng Christmas party ng sundan ng mga suspek at saka pinagbabaril.

Ang biktima ay nasapul ng mga tama ng bala sa katawan na duguang tumilapon sa sinasakyan nitong motorsiklo na sumemplang sa kalsada habang mabilis namang nagsitakas ang mga salarin.

Narekober naman ng pulisya sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Kasalukuyan nang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang kaso upang matukoy ang motibo ng krimen.

vuukle comment

BARANGAY RAMON MAGSAYSAY

KASALUKUYAN

KINILALA

NAREKOBER

NORTE

PATAY

REGIONAL OFFICE

ROGER ESPINA

SEVILLENO BEACH RESORT

SINDANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with