^

Police Metro

Kumursunada sa mag-amang pulis, napatay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 26-anyos na real estate agent nang maki­pagbarilan ito sa mag-amang pulis na umano ay kanilang kinursunada kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Arwin Maliwat, ng no. 258 Isla de Romero, Quiapo, Maynila. Tumakas naman ang kasama nitong si alyas “Jerome”.

Iniimbestigahan na ng Manila Police District-Homicide Section ang mag-amang pulis na kinilalang sina SPO1 Rolando Doroja at PO2 Percival Doroja, kapwa nakatalaga sa MPD-Station 1 at kapwa residente ng no. 1708 Velasquez St. Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong ala-1:15 ng madaling-araw sa harap ng isang bahay sa no.   1691 Velasquez St. kanto ng Baltazar St. Tondo ay dumating ang biktima at isang kasama sakay ng motorsiklo nang napa­tingin sa mag-ama at big­la na lamang  umanong bumunot ng baril at pinaputukan ang grupo ng mag-ama na nag-iinuman malapit sa kanilang bahay.

 Kaya’t gumanti ang mag-ama ng putok at tinamaan ang biktima na armado ng kalibre .45 pistola habang ang kasama nito ay humarurot dala ang minamanehong motorsiklo.- Ludy Bermudo-

vuukle comment

ARWIN MALIWAT

BALTAZAR ST. TONDO

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PERCIVAL DOROJA

ROLANDO DOROJA

VELASQUEZ ST.

VELASQUEZ ST. TONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with