^

Police Metro

12-anyos ni-rape ng amain

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 33-anyos na lalaki matapos na siya ay ireklamo ng rape ng kanyang stepdaughter kamakalawa sa Sta. Mesa, Maynila.

Ang suspek ay kinilalang si Mark Jefferson Policarpio, jobless, residente ng   V.  Mapa St., Sta. Mesa.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Lenlen, 1st year high school (Grade 7), 12-anyos.

Sa ulat ng pulisya, alas 3:00 ng hapon nang arestuhin ang suspek ng mga pulis matapos na ireklamo ng panghahalay ng biktima na nangyari noong Miyerkules sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa biktima nasa labas siya ng  bahay at nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan nang tawagin ng suspek.

Habang nasa sofa  ay tinutukan siya ng baril at  inutusan na maghubad at muling ginahasa.

Ayon sa biktima na ilang ulit na siyang ginagahasa ng suspek na ang unang pangyayari ay noong buwan ng Abril na hindi niya isinusumbong sa nanay niya dahil sa pagbabanta nito sa kanilang buhay.

Kahit na umano nakakatanggap ng sumbong ang ina ay ayaw nitong paniwalaan.

 

vuukle comment

ABRIL

AYON

HABANG

KAHIT

KALABOSO

LENLEN

MAPA ST.

MARK JEFFERSON POLICARPIO

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with