^

Police Metro

Binata utas, 2 sugatan sa pamamaril

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 22-anyos na lalaki habang dalawa ang nasugatan nang sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Jeffrey Padua, ng Abad Santos St., Brgy. Sta. Lucia sa lungsod. Habang ang mga sugatan ay sina Heidi Capili,16,  at Gilbert Ang, 37, residente rin lugar.

Tumakas naman ang dalawang lalaki na nakasuot ng helmet sakay ng isang motorsiklo.

Batay sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi ay nagkukwentuhan ang mga biktima sa kahabaan ng P. Burgos St., kanto ng J. Abad Santos St., Brgy. Sta. Lucia nang dumaan ang isang motorsiklo na may isang angkas sa likod.

Hindi kalayuan bago tuluyang lumiko ay huminto ang motorsiklo at nagbunot ng kanilang baril at sunod-sunod na pinaputukan ang mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon kung ano ang motibo ng pamamaril sa mga biktima.

vuukle comment

ABAD SANTOS ST.

BATAY

BRGY

BURGOS ST.

GILBERT ANG

HABANG

HEIDI CAPILI

JEFFREY PADUA

PATULOY

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with