^

Police Metro

Kelot utas, 1 sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang 30-anyos na lalaki habang sugatan ang kasamahang driver nito nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa panulukan ng  Varona at Capalongan st., sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Gat.Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC)  ang biktimang si Ricardo Condo, 30,  binata,  ng 1695 F.Varona St., Tondo, bunga ng tatlong tama ng bala na tinamo sa dibdib at likod habang inoobserbahan naman sa Tondo General Hospital si Eduardo Panganiban, binata at residente ng 1701 F. Varona st., Tondo nang tamaan ng bala sa tiyan at braso.

Itinuturong mga suspek sina Marlon Custodio, alyas “Tutong”, nasa 30-35-anyos, miyembro ng Sigue Sigue Commando at residente  ng  no. 1685 F. Varona Tondo at isang Allan Guevarra alyas “Mata” nasa 20-25-anyos, residente rin ng lugar.

Ayon sa Manila Police District-Homicide Division, dakong  alas 4:15 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa mga biktima sa panulukan  ng  F. Varona  at Capalongan St.,  Tondo, kung saan habang nagkakape ang mga biktima ay bigla na lang pinagbabaril ang mga ito. 

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang insidente at pinaghahanap ang mga suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril.

vuukle comment

ALLAN GUEVARRA

ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

CAPALONGAN ST.

EDUARDO PANGANIBAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE DIVISION

MARLON CUSTODIO

RICARDO CONDO

SIGUE SIGUE COMMANDO

VARONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with