^

Police Metro

Tatay patay sa batugang anak

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagawang saksakin ng isang 23-an­yos na lalaki ang sariling ama matapos na mapikon ito sa pagtawag ng batugan dagdag pa rito ang panenermon sa kanya na naganap kamakalawa sa Quezon City.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital dahil sa tama ng saksak sa tagiliran ay kinilalang si Alfredo Reyes III.

Pinaghahanap naman ang anak nitong si Alfredo Reyes Jr., na tumakas matapos ang krimen.

Base sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-7:00 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima sa no. 9978 Kasunduan St., ay dumating ang ang suspek at nagpaalam na kakain.

Dahil nakainom ang biktima ay nagalit ito sa suspek at sinabihang batugan na ikinagalit ng huli at nagbunot ng patalim saka itinutok sa kanyang tatay at umalis ng bahay.

Ilang minuto ay bu­malik ang suspek, subalit sinalubong siya ng palo ng kahoy ng kanyang tatay ng dalawang beses sa ulo.

Sa galit ay gumanti ito ng saksak sa ama sa sa kaliwang tagiliran at pagkatapos ay tumakas.

vuukle comment

ALFREDO REYES

ALFREDO REYES JR.

BIKTIMA

DAHIL

ILANG

KASUNDUAN ST.

NAGAWANG

PINAGHAHANAP

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with