73 sekyu bantay sa Camp Crame
MANILA, Philippines – Upang makatipid umano sa pondo ang liderato ng Philippine National Police (PNP) ay pinabantay na nila ang punong himpilan sa may 73 security guard (SG) sa apat na gate ng Camp Crame.
Sinabi ni Chief Supt. Wilben Mayor, chief ng PNP Public Information Office na ang hakbang ay una ng inianunsyo ni PNP Chief Director General Alan Purisima.
Bukod dito ay upang mas mapaigting pa ang police visibility at pagpapatrulya partikular na sa mga crime prone areas sa Metro Manila.
Inumpisahan ng PNP ang pagtatalaga ng mga security guards sa gate ng Camp Crame nitong Nobyembre 8 hanggang sa makumpleto ito kahapon.
Inihayag naman ni Chief Supt. Albert Supapo, Acting Director ng PNP Headquarters and Support Service ang naturang mga security guards ay naatasan ding magbantay sa iba pang pasilidad sa Camp Crame.
- Latest