^

Police Metro

Ambush: Tserman kritikal, 2 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang isang barangay chairman habang nasugatan ang dalawang katao matapos na sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa naganap na ambush kamakalawa sa Isabela City, Basilan.

Ang barangay chairma na kritikal ang lagay sa ospital ay kinilalang si Franklin Galos Tan, 33, chairman sa Brgy. Seaside ng lungsod.

Nasugatan ang dalawang sibilyan nang  tamaan ng ligaw na  bala na sina Myrna Sali, 39, vendor  na tinamaan sa kanang kamay at Joseph Sumalpong, 20, nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang hita.

Sa ulat, bandang alas-2:40 ng hapon ay kasalukuyang nakatayo si Tan sa harap ng isang tindahan sa Valderosa Street, Brgy. Port Area nang sumulpot ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril ito.

Nagkataong nandoon din  ang dalawang sibil­yan kaya’t tinamaan ang mga ito ng ligaw na bala.

vuukle comment

BASILAN

BRGY

FRANKLIN GALOS TAN

ISABELA CITY

JOSEPH SUMALPONG

MYRNA SALI

NAGKATAONG

PORT AREA

VALDEROSA STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with