^

Police Metro

Karambola ng 3 sasakyan: 9 sugatan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasugatan ang  siyam katao kabilang ang pitong estudyante nang magbanggaan ang tatlong sasakyan kamakalawa sa bayan ng San Enrique, Negros Occidental.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRBO) 6, bandang alas-7:00 ng umaga nang tangkaing mag-ovetake ng isang Mitsubishi Montero na minamaneho ni Baltazar Jualayba sa  isang Isuzu Sportivo na minamaneho ni Romy Rubio sa Cros­sing Gemoy, Brgy. Tabao Rizal ng ba­yang ito at nagbanggan na kung saan ay nasalpok pa ang isang pampasaherong tricycle na minamaneho naman ni  Alfredo Balena na may sakay na mga estudyante ng Enrique National High School.

Nasugatan ang mga estudyante na ang tatlo dito ay malubhang ginagamot sa Valladolid District Hospital.

Nasugatan din ang dalawang driver na sina Balena at Jualayba.

Halos nayupi ang tricycle ni Balena at bahagyang pinsala lamang ang tinamo ng dalawa pang behikulo.- Joy Cantos-

 

vuukle comment

ALFREDO BALENA

BALENA

BALTAZAR JUALAYBA

ENRIQUE NATIONAL HIGH SCHOOL

ISUZU SPORTIVO

JOY CANTOS

MITSUBISHI MONTERO

NASUGATAN

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with