^

Police Metro

Mukha at ulo tinadtad ng bala

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos sumabog ang ulo ng isang 32-anyos na lalaki matapos na ito ay tadtarin ng bala ng hindi pa kilalang suspek kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa 6 na bala na itinanim sa mukha at ulo nito ay kinilalang si Kadafi Macmod, tricycle driver ng 818-A Globo de Oro St., Quiapo.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang maka­rinig nang sunud-sunod na putok ng baril ang mga residente ng Arlegui at  Elizondo Sts. at nang kanilang puntahan ay nakita ang biktima na duguang nakabulagta.

Malaki ang hinala ng pulisya na malaki ang galit ng suspek dahil sa inubos nito ang bala ng kalibre 22 sa mukha at ulo ng biktima.

vuukle comment

A GLOBO

ARLEGUI

BALA

BATAY

ELIZONDO STS

KADAFI MACMOD

MALAKI

MAYNILA

ORO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with