^

Police Metro

Nanay ni Cherry Pie, pinatay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tadtad ng mga saksak sa katawan at isa nang bangkay ng matagpuan ang nanay ng actress na si Cherry Pie Picache sa loob ng bahay nito sa Brgy. Paligsahan, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Zenaida Sison, 75, biyuda, ng no. 19 Doctor Lascano St., Brgy. Paligsahan, QC.

Sa ulat ng Quezon City Police District Crimi­nal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), dakong alas-6:00 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa ikalawang palapag ng bahay nito na matatagpuan sa no. l9 Doctor Lascano St., Brgy. Paligsahan.

Ayon kay Cherry Pie, na noong Sabado ng hapon ay tinatawagan niya ang kanyang ina sa telepono, subalit hindi umano ito sumasagot.

Kaya’t nagpasya ang aktres na  puntahan ang bahay ng ina kasama ang driver na si Mateo Maco. 

Pagdating sa bahay ay  nagulat ito ng makita na puwersahang binuksan ang main door kaya’t inutusan ang driver na puntahan ang ikalawang palapag para tignan ang ina at dito ay nakita ang ina na isa nang bangkay at may piraso ng tela na ipinasok sa bibig nito.

Hinala ng pulisya na pagnanakaw ang motibo ng pagpatay sa ina ng aktres na mag-isang nakatira sa bahay.- Angie dela Cruz-

vuukle comment

BRGY

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

DOCTOR LASCANO ST.

INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

MATEO MACO

PALIGSAHAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT CRIMI

ZENAIDA SISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with